December 5, 2005
Dear Secretary Defensor,
Ang aming kapaligiran ay malinis at masaya. Maraming punongkahoy, prutas tulad ng citrus at iba pa.
Masaya kaming naninirahan dito sa Binogawan, kasibu, Nueva Vizcaya. Na kung saan sariwa ang tubig at hangin.
Pero nang malaman naming may pagmiminang magaganap nalungkot kami sapagkat napag-alaman naming na ang pagmimina ay nakakasira sa kalikasan. Ibig sabihin pagkatapos ng labinlimang taon wala na lahat ng aming pananim pagkat wala nang tubig.
Paano kami? Paano an gaming kinabukasan? Tulungan sana niyo kami na iligtas an gaming mahal na lugar at ang aming kinabukasan, sapagkat ang pagtanim lang an gaming hanapbuhay na siyang pinagkukunan namin ng pangangailangang araw-araw.
Ito po sana ang regalo nyo sa amin ngayong Pasko.
Maraming salamat po.
Nagmamakaawa
Zairah D. Mendiola
Grade V Pupil
Binogowan
Elementary School
Malabing Kasibu, Nueva Vizcaya