Letter from Malabing Valley
Sir/Madam,
Magandang
Araw pos a Inyong lahat. Ako po ay isang
estudyante sa Malabing Valley National High School. Ako po ay di sumasang ayon sa mining doon sa Didipio dahil ito po ay
nakakasira sa kalikasan. Ako po ay humihingi ng tulong sa inyo para hindi
matuloy ang pagmimina. Kung ito po ay
matuloy ay mahirapan ang mga tao lalo na sa mga katulad naming kabataan. Masisira ang mga Kabundukan at saan kami
kukuha ng ikabubuhay? Ditoy magandang magmina dahil pagkuhaan ng pera pero
kapag matapos ang mina at kinuha na nila lahat ng makukuha at sila ay umalis paano
na ang mga tao sa lugar na ito?
Hindi naman kakasya ang pera na ibinigay nila sa mga
tao. Kahit
sabihin nila na sesementohin nila ang mga kalsada, pero saan gagamitin ang
kalsadang sementado kung walang produkto ang mga tao sa lugar na ito. Pati nga tubig ay mawawala at siyempre
mamatay lahat ng nakatanim. Tayo sana ay magkakaisa para gumawa ng paraan para hindi matuloy
ang mina. Sanay maasahan naming ang
inyong tulong. Di ba? Ang Trabaho ng mga
DENR ay pangalagaan ang Kabundukan? Kung ang kabundukan ay makalbo at masira
ang mga hugis ng mga bundok ay parang walang silbi ang mga DENR. So tayo’y
magkaisa para hindi matupad ang mina.
Ang
napakagandang ibinigay ng diyos ay para sa atin para pagkuhanan ng ikabubuhay
ay huwag
sana nating biglain ang pagkasira. Ito man ay masisira
pero unti-unit at para sa mga taong sumusuonod sa inyo. Buti pa sa mga katulad
ninyo dahil malapit na ang nakatakdang araw o panahon para sa inyo, pero kami
at ang mga sumusunod na maliliit? Kailangan
bang sila ay maghihirap? Samantalang ang mga tao na gumagawa ng mining ay
maganda ang buhay nila?
Yours truly,
Jema Pinikihan
Malabing Valley High
School
Wangal, Kasibu, Nueva Vizcaya