A Letter from Kasibu
NO TO
MINING
Ika-14 ng Dec. 2005
Ako
ay di sumasangayon sa MINING dahil sa masisira ang kalikasan naming ditto sa
buong Kasibu. Kung pahihintulutan ng pamahalaan ang MINING papaano na kami??
Paano na ang kabuhayan naming dito? Bakit?? Mababayaran ba ang mga buhay na
mawawasak sa idudulot ng MINING? Sapat ba dahilang pambayad ng utang ng
Pilipinas? Papaano Kami? Papaano na ang produkot naming na siyang pinagkukunan
naming ng ikabubuhay? Bakit? Naisip ban g pamahalaan ang lahat ng ito? Minsan
bang sumagi sa isipan nila ang masasamang dulot ng mining? Puro nalang bang
mabuti ang iniisip nila?
Kung
kami nga di naming miniminas an gaming lugar, ang mga taong taga ibang bansa pa
kaya?! Kung gusto naming mag MINING bakit hindi pa
noon
? Bakit hanggang ngayon hindi pa? MAHAL NAMIN ANG AMING LUGAR kaya ayaw namin
ng mining… Bakit
pa naming sisirain ang Biyaya ng Diyos kung ito ay may malaking pakinabang sa
amin??
Marami
naming ibang lugar diyan na puedeng Minasin, bakit ang lugar pa naming?
Sana
naman mag-isip-isip ang pamahalaan, makonsensya
naman sila, yun ay kung may tinatawag silang konsensya. Kayong
mga di madadamay sa MINING alam kong mararamdaman din ninyo ang aming
nararamdaman sa ngayon kung kayo ang nasa katayuan namin…
Student of MVNHS, Wangal, Wangal Kasibu, Nueva Vizcaya
to post your own letters:
email your letters to: lettersfordidipio@gmail.com
or snail mail to: LRC-KSK/Friends of the Earth -Philippines
87 Madasalin St. Teachers Village, QC